Natakot at natawa ako habang binabasa ko ang blog ni Anak ni Kulapo. Kung tutuusin sa litrato pa lang eh matatawa ka na. Inisip ko nga "bastos" ang topic na ito. Ngunit mali pala ako, totoo nga ang kasabihan "never judge the book by its cover." Ganunpaman, ito ang pinaka nagustuhan ko sa lahat ng kanyang topic kasi dito tumayo ang balahibo ko. Grabe, natakot ako. Inisip ko, paano kaya kung gumalaw sya? Anyway, kung gusto nyong basahin andito ang buong kwento http://www.anaknikulapo.com/2008/11/13/pssssssttt-pssssstttttt/#comment-822 . Naaliw din ako sa contest nya kaya naisip kong sumali. Sa premyo pa lang takaw pansin na. Pwede kang manalo ng cash at libo-libong EC credits. Malay nyo palarin tayong manalo kaya iniimbitahan ko kayong sumali sa contest. Bisitahin nyo lang ang blog site na ito www. anaknikulapo.com. Sino ang pwedeng sumali?
1. Bata, matanda, may ngipin o wala. Girl, boy, bakla, tomboy. Kahit na anong kasarian ka pa, babae, lalake, o di tiyak, kahit pa walang kasarian, pwede rin.
2. Kailangan sempre Pilipino ka, dahil di mo maintindihan ang mga epal dito. Pwede din ang half-half. Half Pilipino, Half Pilipina.
3. Lahat ng may blog. Kung wala ka namang blog, gumawa ka muna. Kaso di ka pa rin uubra dahil may time limit. Ang iyong blog ay kinakailangang hindi manananggal (fly-by-night) na blog. Ibig sabihin hindi pwedeng umistayl na gagawa ka lang ng bagong blog para maisali dito. (lang-magu to-its) Kailangang gumagana na yang blog mo mula pa April 01, 2008.
As op the latest chika, wala ng time limit ang pautot na ito. Kahit pa bagong panganak ang blog mo, pasok ka na.Kahit pa one thousand syete mil ang blogs mo, pwede mo isali lahat. Basta pasok sa criteria yung blog mo. Mas madami kang blog, mas madami kang chance na manalo ng sandamakmak na pasasalamat. Heheheheh.
Ano ang kelangang gawin para makasali?
1. Kailangang pumili ka ng isa sa mga post o article dito sa site na Anak ni Kulapo na tinginin mo ay nakapagpa-laglag ng panti mo or brief mo kaya, o kaya naman ay nakapagbago ng buhay mo, o kaya naman ay naka-apekto sa yo in a profound way (di ko lam tagalog ng profound), o kaya naman ay nakapagpa-tulo ng sipon mo, o kaya din naman ay super cachupoy sa kakornihan. In short, kahit anong post dito na nakatawag ng pansin mo. Sabihin ang mala impaktong dahilan kung bakit mo napili ito.
Example:
“Dear Lolo Buraot, napili ko po ang iyong post na Powder o Lotion dahil nakapagbigay po ito ng patok na ideya para makapag-libang. Oks. Babu. “ 2. Ikabit ang link ng nasabing post
3. Bukod sa link ng nasabing post, kailangan mo ding i-mention na sumasali ka sa mala-cachupoy na pakulong ito.
5. Pwede mong lagyan ng kahit na anong title ng post mo. Blaha ka nang mag-imbento. Pagtapos mong mai-post ang iyong entry, mag-iwan ng comment dito, para mai-tally ng mga board of judges. (ako yun)Ang Premyo? Kelangan ba meron? (Nyehehhe. Joke lang.)
Pagsapit ng alas dose ng gabi empunto ng November 30, 2008, sarado na ang botohan. Bwena mano sa Disyembre, ay bobolahin na ng mga hurado (ako ulit yun) ang mga sumali. Within 3 to 5 days ay ipapaalam na natin kung sino ang mga wagi. Ang tatanghaling mga maswerteng mga nilalang ay makakakuha ng premyong sumusunod:
Grand Prize:
1. 3,000 entrecard credits at
2. Pumili ng isa sa mga sumusunod:
a. Three hundred dollars,
b. Tatlong daang dolyares,
c. Tres syentos estados unidos dolyares, o
d. Tatlong plastic balloon (used)
Second Prize:
1. 1, 000 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusonod:
a. One hundred dollars,
b. One hundred pesos,
c. Isang daang baku-bako, o
d. None op da above
Third Prize:
1. 500 entrecard credits at
2. Pumili sa mga sumusunod:
a. Fifty dollars,
b. Singkwenta pesos,
c. Limampung pirasong sinkong kulot, o
d. Tenkyu mula kay BURAOT
Consolation Prize: (Kita mo naman sa pakontest, me consolation prize pa.)
Ang consolation prize ay mananalo ng $100.00 sa mapipili ni BURAOT na pinakamagandang post. Depende kung anong ganda, pwedeng pinaka-nakakatawa, pinaka-kyut, pinaka-korni at kung anumang post ang makakapag-palaglag ng brief ni BURAOT.
Last date of entry: 11:59 PM, November 30, 2008 PST (sori, kelangan oras dito sa aking hide-out and susundin)